nerdoptimist

Monday, January 16, 2006

contemplating on my usual monday

it's almost 11 pm on our room clock and unfortunately, i wasn't able to follow my things-to-do..tina used my laptop and so she chatted until 11.so kami naman nina room8s,mega chika to the max while waiting for her to end up staying inside our room..

i had an ordinary day:gising,ligo,dyip,pa131,dyip,lunch,freshen up,dyip,pe1,walk,pa141,tambay,dorm,tulog,gising,dinner,ate fely,chika,ligo,chika,sit-ups,ghost stories,tulala,net..then aral at tulog na naman pagkatapos nito..haay...

nothing unusual,nothing to talk about today.but i miss HIM kahit his last msg was sent only an hour ago.well, ganun talaga siguro...waa,im starting to worry.hindi pa ata sya nakakauwi from school.ano na kaya nangyari sa kanya?

haay,januray 16 is a typical day for me, pero kay ate judy ay hindi...ate jen texted me kanina informing that ate judy finally answered denmark..im happy for her.=>hopefully,maging ok sila kahit alam ko na they will endure the pain of a long distance relationship...i know denmark will left again this month..so,im just wishing the best for both of them.sana they'll survive.

nakakatuwa lang kasi sa apat na anak nina walbertu at ipya, may at least isang legal na relasyon.oo,i got a boyfriend pero illegal kami.hehehe..si ate jen at balong naman,nagtitiis sa m.u...si kuya wet,concealed ang lovelife nya after nung kay danda cheksi dentis rica...

(oops,nagtext na si by..at last.=>)

hindi na kami mga bata...yun ang tingin ko sa amin..well, i miss my childhood.yung tipong sinasama pa kami ni lolo sa dampa na tuwang-tuwa ako kasi ang lawak ng pede naming paglaruan..kahit yung adventures naming magpipinsan sa linang-yung paliligo namin sa liguan ng kalabaw ni lolo(hahaha),yung paghuhuli namin ng ririmbu,yung paglala ko using dahon ng saging..kahit ang paglalaro namin nina debbie,ang lutu-lutuan ever na nagiging dahilan para paluin lagi ako ni nanay or ate kit pag-uwi ko(oh,well.sino ba namang hindi magagalit sa anak na basa ang damit at buhok pag-uwi ng bahay dahil sa paggamit ng tubig sa lutu-lutuin;kesyo ito yung juice natin,kesyo ito yung sabaw ng nilaga,atbp.=>)...ang daming gusto kong isama sa flashback pero limited lang ang oras ko..oh my god,childhood memories!!!

ngayon,iba na kami...ang mga pinsan ko (na kabilang sa 1st generation apo nina lolo sa father side),halos may trabaho na lahat.before,sakit ng ulo ang binibigay kay lola dahil sa kakulitan at away-bata namin.ngayon,regalo na mula sa ipon ng allowance o excess sa sweldo yung laging meron para sa lola,tiyo,tiya at mga pinsang bata..kahit sa mother side.kitang-kita ko yung pagbabago.before kapag may family gathering,wala na yung alok lang ng pera tapos sasayaw agad sa harap.yung tipong nagdadala pa kami ng costume (mapa-muslim,filipiniana,ballet,aerobics pa yan).iba na kasi ngayon.may cousin-in-law na ako,nagtratrabaho na halos lahat at soon,baka magkapamangkin na nga e..

haay,ganyan talaga.tumatakbo ang oras,tumatanda tayo...parang kahapon lang ang lahat.minsan,gusto ko bumalik sa pagkabata..

kapag bata, puro laro at tawa lang. kung umiyak man ay panandalian lamang...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home