T_T
ang hirap kontrolin ng emosyon. para kasi sa akin, kailangan ilabas ito sa bawat pagbabago ng mukha ng pagkatao.
nakakalungkot.halos tatlong sunud-sunod na gabi na ata akong umiiyak.isa lamang ang dahilan: ang isang tao na inakala kong mas magbibigay ng ngiti kaysa luha sa akin - sa isang tao na sobra-sobra kong m[in]ahal.
maganda yung tanong ni Fr.Jiboy don sa isang contestant sa miss sampa kanina.sapul sa sitwasyon ko ngayon.halimbawa may kaibigan ka at pagkatapos ay nalaman mong nakipag-break ang boyfriend nya dahil sa isang babae na mas mahal nya kaysa sa kaibigan mo, at ang babaeng tinutukoy pala ng boyfriend ng kaibigan mo ay walang iba kundi ikaw, ano ang gagawin mo?
napangisi na lang ako sa tanong na iyon.katabi ko pa man din yung alam kong dapat sumagot sa tanong.siguro naka-relate din sya tulad ko.nakakagulat nga lang talaga sapagkat sa katauhan ni Fr.Jiboy, pinakita ng Diyos na andiyan Siya upang makiramay sa kasalukuyang lungkot na nararamdaman ko.
matapos ng contest na yon,nawalan na ako ng kontrol.sunud-sunod na ang pagpatak ng luha...
hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.wala akong maisip na malalim na dahilan upang tapusin ang pakikipagkaibigan sa isang tao na minahal ko nang lubusan.hindi sapat na basehan ang selos.masyadong mababaw.subalit sa mga gabing nagsusumigaw ang aking damdamin na padaluyin ang luha sa aking mga pisngi, hindi maiiwasan na planuhin ko ang pagtuldok sa isang relasyong hindi man lamang umabot ng mahabang panahon.
sana tulungan ako ng Diyos.huwag Niya sana akong iwan.=<

1 Comments:
At 3:46 AM,
sangre ako said…
kung ano man ang nararamdaman mo ngayon,magpakatatag ka lang friend. alam kong kakayanin mo yan. wag mong hayaan na mga simpleng bagay (na maaring walang basehan) ang maging sanhi ng pagkasira ng isang nag-uumpisa pa lang yumabong na relasyon.
kaya mo yan. andito ako lagi para makinig.
Post a Comment
<< Home