Physically Attracted
alas tres ng madaling araw..
kaarawan ngayon ni nanay..
pero sa mga oras na ito, heto ako at nag-iisa na naman sa kawalan..
sa isang kawalan na puno ng pag-aagam-agam..
sa isang kawalan na puno ng kalungkutan..
ang pangit ng blog na ito..
puro hinagpis ko na lang para sa kanya..
subalit ganoon talaga siguro kapag nais mong makapaglabas ng sama ng loob..
hindi ko naman kagustuhang mainis at medyo magalit..
subalit ganyan talaga..
kailangan masaktan nang paminsan-minsan..
"physically attracted"..
nagamit ko na ang mga salitang ito kay nico..
halos tatlong buwan na ang nakaraan..
subalit pagbabalat-kayo lamang ito..
hindi bukal sa aking kalooban..
isang requirement lamang sa kalilayan..
ang magkaroon ng ika nga 'crush' na mem sa kalilayan..
subalit kanina, may binanggit siya
"physically attracted" siya hindi lamang sa isa..
kundi mahigit pa sa dalawang babae..
sa una,nakakatuwa..
honest siya..
subalit sa bawat pagbitiw niya ng mga salita..
inis,lungkot at galit ang kapalit..
bakit kasi lagi niya akong nasasaktan?
"physicallay attracted"
kanino?!
....
haay...
saan ako nagkulang?
bakit ako nagkulang?
at kailan ako nagkulang?
...
haay...
sino ang may problema sa ating dalawa?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home