nerdoptimist

Saturday, January 28, 2006

AGAM-AGAM

...minsan sa iyong buhay, mararamdam mo ang lungkot -- ang pakiramdam na tila iniluwal ka ng mundo sa espasyo ng pangungulila.

...ngunit sa ganitong mga sandali, dito mo matutunan na tumayo ng mag-isa at ihayag ang nararamdaman ng walang takot at pag-aalinlangan.

...tapang lang at diskarte sa buhay...iyan lang ang kailangan sa panahon ng pangungulila.

Thursday, January 26, 2006

=<

i hate how i ended up my day...or i supposed how i started friday...i hate missing someone..i hate it when there's an important person in my life who will leave me even just for a while...

bad trip...i won't feel bad kung ndi lang sa pangengealam ng isang personal na bagay..hay,i'm sorry jobelle.i'm starting to invade your privacy.i should not write my sentiments about you...pero wala na talaga tayong magagawa dun...i need to release my negative feelings...

it's my first time to cry for someone whom i love so much...yes,'twas my first...so i must insist that this is my first and the truest...i never cried on those whom i loved(even kay ex)...

a pink blog must be connected on being in love...tama ka kamille..but i think pink is not the only color that represents the concept of human existence...

i believe that there's someone who created colors...each represents a certain feeling...some reflects optimism,others do not...but all reflects the color LIFE...

shit! i feel black....

i'm sorry...=,<

Wednesday, January 25, 2006

HAGGARD-LESS

finally,this was my 'haggard-less' day for this sem...i felt so relaxed all throughout the day(except my payatas experience)...

nwei,may bago akong natutunan..masaya kasi nakakatuwa..hehehe

after five months of my payatas ritual (waking up @7am and doing my "jeep-fx-trike 'joy'ride" from UP to LCC), i finally learned how to take the batasan route. wow, laking ginhawa nun sa akin. hindi ko na kelangan maging amoy palengke dahil sa litex mania, and of course maiiwasan ko na rin ang dreadful part of seeing dead kambings hanging alongside the commonwealth ave. wow! grabe talaga ang mga pinoy. biruin mo,may tumatangkilik pa pala sa mababahong karne ng kambing.

speaking of mabaho, nakakaloka ang fx ride ko kanina. i was waiting for an fx sa philcoa. there were two fxs na mejo nag-park near the philcoa shed. yung isa, yung authentic fx (tamaraw fx), the other one is a revo...of course, mas bagong model ang revo,yun ang pinatos ko...but choosing that fx is a huge mistake!!! amoy suka yung fx!eeeww! mega labas tuloy ako ng alcohol ko at nag-transform sya sa pagiging inhaler. grabe,nabangag ata ako dun... so while looking where that smell came from,i found out then na yung katabi kong pasahero ay may suka sa damit galing dun sa anak nyang bata. wow!imagine kung pano ka-gross non?!!waa!!!

(reflection: ang arte ko naman)

hmm..i said nga pala that i had a 'haggard-less' day..yes,it was definitely 'haggard-less' and that's because of HIM*.

*thanks for making my day 'haggard-less'>>>hahaha

word for the day:"haggard-less"

Thursday, January 19, 2006

i need GOD's help!!!

after this stressful and tiring day,parang sasabog na ata ako (hmm,come to think of it:may sumasabog ba na tao?)..nwei,i was and still pressured...ang dami kong problema..pucha!sasabog na ata ako..KABOOM!!

problem #1:: to run or not to run - i'm not yet decided kung tatanggapin ko ang invitation ng PALS to run for our college student council. nalampasan ko naman ang panliligaw nila last year . pero ngayon,ndi na ata. siyeet!im pressured. i need to decide as soon as possible..ilang araw ko ng pinag-iisipan ito.i even listed the advantages and disadvantages of running for an SC seat...positively, i will be trained by high caliber politicians of our country, i can even get connections, i will develop my 'political skills' and of course, i can serve the ncpag community. pero my pessimism overcomes my big "K"! kakayanin ko ba ang lupet ng debate at pulitika sa aming kolehiyo?!!!!

problem #2:: to defer or not to defer - if ever i will try to occupy for an SC slate, i need to decide on whether to defer or not to defer the Kalilayan application. im half-way on the application process but i still find it demanding and time consuming. 30 tambay hrs, 2 interviews, projectsss..., consti study,buddy date,pakikisama,etc... nakakaiyak na kung minsan but i need to 'SACRIFICE'. time will come at makikita ko na yung bunga ng paghihirap ko, only if im already a member of that organization.

problem #3:: ACADS!!! - well, sino bang walang problema sa acads? lahat naman tayo diba?!
econ 2nd exam
econ homework
141 paper
geog paper
eng10 paper
eng10 play
acctg1 project

problem #4:: HIM - distance tests every relationship: kahit one ride away lang sya from school, naiinis ako sa paminsan-minsan lang naming pagkikita... =<

problem #5:: MYSELF

problem #6: GOD'S INTERVENTION..=<

Monday, January 16, 2006

contemplating on my usual monday

it's almost 11 pm on our room clock and unfortunately, i wasn't able to follow my things-to-do..tina used my laptop and so she chatted until 11.so kami naman nina room8s,mega chika to the max while waiting for her to end up staying inside our room..

i had an ordinary day:gising,ligo,dyip,pa131,dyip,lunch,freshen up,dyip,pe1,walk,pa141,tambay,dorm,tulog,gising,dinner,ate fely,chika,ligo,chika,sit-ups,ghost stories,tulala,net..then aral at tulog na naman pagkatapos nito..haay...

nothing unusual,nothing to talk about today.but i miss HIM kahit his last msg was sent only an hour ago.well, ganun talaga siguro...waa,im starting to worry.hindi pa ata sya nakakauwi from school.ano na kaya nangyari sa kanya?

haay,januray 16 is a typical day for me, pero kay ate judy ay hindi...ate jen texted me kanina informing that ate judy finally answered denmark..im happy for her.=>hopefully,maging ok sila kahit alam ko na they will endure the pain of a long distance relationship...i know denmark will left again this month..so,im just wishing the best for both of them.sana they'll survive.

nakakatuwa lang kasi sa apat na anak nina walbertu at ipya, may at least isang legal na relasyon.oo,i got a boyfriend pero illegal kami.hehehe..si ate jen at balong naman,nagtitiis sa m.u...si kuya wet,concealed ang lovelife nya after nung kay danda cheksi dentis rica...

(oops,nagtext na si by..at last.=>)

hindi na kami mga bata...yun ang tingin ko sa amin..well, i miss my childhood.yung tipong sinasama pa kami ni lolo sa dampa na tuwang-tuwa ako kasi ang lawak ng pede naming paglaruan..kahit yung adventures naming magpipinsan sa linang-yung paliligo namin sa liguan ng kalabaw ni lolo(hahaha),yung paghuhuli namin ng ririmbu,yung paglala ko using dahon ng saging..kahit ang paglalaro namin nina debbie,ang lutu-lutuan ever na nagiging dahilan para paluin lagi ako ni nanay or ate kit pag-uwi ko(oh,well.sino ba namang hindi magagalit sa anak na basa ang damit at buhok pag-uwi ng bahay dahil sa paggamit ng tubig sa lutu-lutuin;kesyo ito yung juice natin,kesyo ito yung sabaw ng nilaga,atbp.=>)...ang daming gusto kong isama sa flashback pero limited lang ang oras ko..oh my god,childhood memories!!!

ngayon,iba na kami...ang mga pinsan ko (na kabilang sa 1st generation apo nina lolo sa father side),halos may trabaho na lahat.before,sakit ng ulo ang binibigay kay lola dahil sa kakulitan at away-bata namin.ngayon,regalo na mula sa ipon ng allowance o excess sa sweldo yung laging meron para sa lola,tiyo,tiya at mga pinsang bata..kahit sa mother side.kitang-kita ko yung pagbabago.before kapag may family gathering,wala na yung alok lang ng pera tapos sasayaw agad sa harap.yung tipong nagdadala pa kami ng costume (mapa-muslim,filipiniana,ballet,aerobics pa yan).iba na kasi ngayon.may cousin-in-law na ako,nagtratrabaho na halos lahat at soon,baka magkapamangkin na nga e..

haay,ganyan talaga.tumatakbo ang oras,tumatanda tayo...parang kahapon lang ang lahat.minsan,gusto ko bumalik sa pagkabata..

kapag bata, puro laro at tawa lang. kung umiyak man ay panandalian lamang...

Sunday, January 15, 2006

friday and sunday update

reminiscing friday the 13th::kakabasa ko lang ulet ng blog ni by..hindi ko alam na masaya pala sya nung night na nanood kami ng concert sa ateneo grade school.well,lagi nga pala siyang masaya..oh yes,we watched "jamming with kuya"-yung sinasabi nila noon na concert of pbb housemates with kitchie,cueshe,barbie,etc..jackie,sayang ka.mark got 1 more free ticket,ndi kita macontact so sobrang sayang kasi ndi mo nakita si beloved cass..haay,nahiya ako kay mark.ndi ko man lang sinabi na masaya rin ako nung night na yun.im very thankful kasi napasaya nya ko dahil i saw my present and ultimate crush-si sam milby..at wow!sobrang kinilig ako dun.ang gwapo n'ya talaga.ayihi!!

1st month:: yey,it's our first month!well,magsawa man kayo sa pagsabi na "ang saya ko",wala kayong magagawa dahil masaya talaga ako.sana tumagal pa to,ndi lang months,ndi lang years kundi forever (yuck,ang jologs:epekto ng blue moon)..so far,kanina yung most enjoying,memorable and fun-filled moment in my life.i thank GOD kasi nandiyan sya to make these GLOBE-->making great things possible.=>

despite the physical "hardship" that i endured this day,masayang-masaya ang puso ko.

wakeke,ang jologs ko na!!!

x-cess::inaantok na ako,ang pangit tuloy ng post ko-not so expressive..haay..chinika pa rin kasi ako ni ate melai so nawalan ang inyong lingkod ng konsentrasyon sa pagsulat ng post na ito..well,thanks na lang sa time on reading it...

next time,i'll try to write-up about societal and political issues so i won't stick on the conventional fundtion of blogspot,which is an online journal.nakakahiya kasi sa mga taxpayers na dapat makinabang sa 'talino' este kapal ng mukha na meron ako...

Thursday, January 12, 2006

EPOKRAS!

masama ang simula ng araw ko subalit mukhang magtatapos ito ng may ngiti sa aking mga labi. hmm... bakit kaya?

gising na ako ng alas-sais ng umaga. ayos. sinimulan ko na gawin ang paper sa english10. may tatlong oras para gawin ito. pero fudgee na buhay ito! i-clo-close ko na dapat yung word, bigla ko naman na-click yung 'no' kung ise-save ko ba o hindi ito. epokras! ang saya ng ganun di ba? eto tuloy ako, nasa dorm agad ng 4pm. nagpipilit simulan ang paper na wala naman atang patutunguhan. fudgee at epokras!!! gawa nga ako ng blog muna. well, gulat nga pala sina ate melai at ate joy kasi ang aga ko naman daw sa room.

*oops.....si dy nagtext. teka lang..



after ng pe class ko, pumunta muna ako sa circa tambayan. ang topic: si _ _ _ _. hindi kami close pero close sila ng logbook. naawa lang ako dahil siya at ang kanyang logbook write-up ang naging reasons for him to be the circan of the month (...when it comes to 'laitan' ha). he added new two words for the tambayan: fudgee at epokras. fudgee means f**k ayon sa understanding ni jecho...yung epokras, wala pang nakakaalam ng meaning (..hmm.kayo alam nyo ba?)

well, the issue is the never-ending doubt of the org. sandara effect ba sya? i mean, is he out? well,it's not my business to know whether he's straight or not. wala akong mapapala sa ganung mga bagay. konyo sya kung konyo pero it does not mean na may something sa sexuality nya na hindi alam ng org. fudgee!!! bakit ko ba yun prinoproblema? namamana na ata ako sa kanila. well siguro kelangan din isipin. aminado rin naman kasi ako na sinasapian ni boy abunda... paminsan-minsan nga lang.

haay, so much of this light and corny argument.

kelangang ma-budget ang oras.

GOD! how i wish 48 hours ang isang araw.

=<

Monday, January 09, 2006

MIXED EMOTIONS

this is my first post sa blogspot...tularan ko lang kasi si "ehem".napansin ko rin kasi na abusing ang friendster's blog.

well,on-line journal is on-line journal.so expect na may mga ilang tao na magvi-view ng "blog" mo. it also means na you can loose your privacy. so naisip ko lang, i must be (somehow) impressive on writing my posts. nakakahiya rin naman sa mga friends and not so friends na magvi-view nito.this is not an ordinary journal na sinusulat ko years ago, which is definitely sobrang iba sa mga sentiments ko written on the wwf notebook (which was a field trip souvenir from ian way back in high school).

hmm..napansin ko lang na senseless pa rin pala ang mga sinusulat ko. ang dami ko kasing naiisip, kaya yung mga dapat isulat ay hindi ko na pala naiisulat..parang information loaded na hindi naman talaga.basta.=>

haay,ang saya ko.sobra...finally,i found HIM.

kung i-co-compare ko kasi talaga kay ex,sobra-sobra na sya para sa akin. he's definitely any girl's right and perfect guy. ayihi!

for me, he met my standards- matalino at educated (almost similar lang yun), mabait, cute (pati height..hehe,peace!), corny pero may sense (match ba yun), at syempre alam ko na mahal nya ako (o feeling ko lang yun). kaya dahil dito, nakapagbitiw ako ng isang jologs line:

"nakahanap na rin ako ng katapat!"
hehehe. kasi naman po,everytime na kasama ko sya,there's an unexplainable feeling na nagpapasaya sa akin. siguro yung smile nya,yung lalim nyang mag-isip, na sobrang nakakatuwa kasi nagiging maayos yung usapan namin. ewan ko ba kung anong meron sa kanya.ganun lang siguro talaga if tinamaan ka na ni kupido(hahaha,jologs jologs!!!)

i thank GOD not only because of HIM but because of my new family. despite sa pagbaba ng grades ko, i gained trust from new set of people (of course kasama na siya don).kung i-tra-translate ulet sa isang makatas na tagalog line ang feeling na ito:

"hindi masidlan ng kaligayahan ang dalawang bagong pamilya na kumukupkop sa
akin - ang dalawang organisasyon na tinuturing akong isang kaibigan at kapatid."

malapit na ang january 15.nakakaasar nga lang kasi yung excess money ko na dapat ipambili ng something memorable,napambayad ko na sa dorm bills, org fees, tina's sideline, etc...

haay,ano kaya ang pedeng makapagpasaya sa kanya? chinkY!