nerdoptimist

Friday, March 31, 2006

ala ERRATUM

ang tagal ko na rin nag-post dito sa blogspot...ang daming dapat sabihin...ang daming dapat ikwento...hindi lamang tungkol sa sarili ko, sa amin ni mark o sa mga kaibigan ko...ang daming nangyari--sa pamilya ko, sa mga taong nasa paligid ko, sa lahat ng tao...

nais kong magpaumanhin sa mga taong nasaktan ko...lalung-lalo na kay mark dahil sa negatibong imahe niya sa blog ko..mahigit kasi sa kalahati ng mga artikulo ay nagmumukha lagi syang masama..kaya ngayon,nais kong ipakita ang positibong imahe ni mark na aking b.f.->best-friend at boy-friend..=>

bilib ako sa kanya..dahil sa kabila ng mga pag-aaway namin, andiyan pa rin siya sa aking tabi..hindi sumusuko sa kakitiran ng utak ko, sa pagseselos at pagiging isip-bata ko..ilang beses ko na rin siguro siyang napaiyak at ilang beses ko na rin siyang nasaktan..subalit sa lahat ng mga iyon,andiyan pa rin siya at alam kong nagmamahal pa rin sa akin..

hehe,biglang nag-online si mark..nawala tuloy ang senti moment

nwei,sinulat ko ito hindi upang tuparin lang ang pangako sa isang tao na lilinisin ko na ang imahe ni mark sa blog.kundi sinulat ko ito sa pagnanais na ipaalam sa lahat ng tao na napakaswerte ko sa pagkakaroon ng mark sa buhay ko..hehehe...sounds corny but it's true..

ayihi!=)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home