nerdoptimist

Tuesday, February 28, 2006

March 1 na!

march9-bertday ni nanay

hapi bertday sa aking mudra...magkikita na tayo sa sabado..galingan mo sa oral defense...keri!

Sunday, February 26, 2006

nationwide hell week!

small-scale hell week: (with focus on jobelle's academic load[s])
pa131 quiz about current events on thursday
pe1 2nd exam on thursday
pa141 weeklong take home final exam
econ11 3rd exam tomorrow
english10 library source chart tomorrow
geog1 homework
geog1 reaction paper
acctg1 postponed 2nd exam

to do(s):
read on current events regarding fiscal and monetary factors (san ako hahanap?)
complete pe1 lessons by searching online (sana nagsipag ako mag-take ng notes noon)
edsa books and readings (tanggala mga ganid na nanguna sa pag-ubos ng library resources)
more researches about policy, policy system, policy chorva, chenes, wesnes (ncpag lib!maawa)
stakeholder analysis about reformed EVAT law (pano ba ang stakeholder analysis?)
policy measures proposals about growing population (tanggala)
a tickling joke for ma'am mendoza (asan ang sense of humor ko?)
review for econ11 (makapag-review pa kaya?)
finish before 2.30 eng10 lib source chart (2:10 na e, 50% pa lang ata natapos ko)
done with geog 1 homework (buti tapos na)
done with geog 1 paper (yihee!)
study for the dreadful acctg1 =<
spend time on layb
huwag matulog
sacrifice my social life
budget my time
accomplish this for one week!

medium-scale hell week:

yung hindi small-scale at hindi large scale


large-scale hell week:
STATE OF NATIONAL EMERGENCY
'TIL WHEN?!

Thursday, February 16, 2006

!
mahirap magkunwaring masaya ka.mahirap ngumiti na alam mong gusto mong lumuha.mahirap pigilin ang emosyon.
mayroon akong malabong kwento tungkol sa isang tao na puno ng kalungkutan.

dalawang tao ang dahilan ng kanyang kalungkutan. una, may isang tao na
kasalukuyan niyang minamahal at may isa pang tao na tinuturing niyang
kapatid at kaibigan. subalit sa paglipas ng sandali, tila nabubura
ang tiwalang mayroon siya sa dalawa. sino ba ang mawawalan ng
tiwala kung nalaman mo na may lihim na pagtingin ang taong minamahal mo sa
itinuring mong kapatid at kaibigan? napakababaw,hindi ba?


sa isang nararapat na espesyal na araw, wala siya sa iyong tabi. okey na sana dahil may sapat na dahilan.
subalit sa huling sandali ng espesyal na araw na iyon, masakit malaman na may katext siyang iba.
oo isa lang itong kababawan.
perobakit ganon? magparamdam man siya, parang mamumuti pa ang mata mo sa kahihintay.
nakakapag-isip lang siguro kung nage-enjoy ba siya sa pakikipagtext niya sa kanya. haaay...
defense mechanism: wala namang sapat na dahilan upang magselos.
halos katabi ko siya sa mga oras na ito. masaya siya. tila hindi mababanaad ang lungkot ng kanyang kasama.
bakit ganon?
tila hindi siya ang nagbigay ng mensahe kagabi?
akala ko ba gusto mong dumamay sa akin?bakit hindi ka magpakatotoo at sabihin ang lahat ng nararamdaman mo. huwag kang mapagkunwari.
sabihin ninyo kung gusto niyo ang isa't isa.
ang sabi ng isa, may concert bukas sa eskwelahan nila. hindi tuloy kami pwedeng magkita.
pero bakit ganon uli?
haay...
basta ang alam ko, may fair ulet bukas. mag-enjoy sana kayo.

Tuesday, February 14, 2006

puso
there's no best feeling but to be in love..happy valentines sa lahat,may lovelife ka man o wala..

masaya ako sa araw na ito..finally we're ok na (ulet)..ndi na ko galit, inis, or tampo sa kanya...

ang saya mag-celebrate ng valentines kapag may minamahal ka. pero pangit kapag ndi lahat masaya.sana lahat ng tao ay may special someone para lahat maka-relate sa kasiyahang nararamdaman ng bawat taong nagmamahal.

black,red,pink o ibang kulay man ang interpretasyon nila sa valentines, isa lang ang nais nitong ipahiwatig..ang araw na ito ay espesyal, may dahilan upang gawin itong hindi ordinaryong araw..

maligayang araw ng mga puso na lang ulet..

salamat sa kanya,sa tao na minamahal ko ng sobra.

Monday, February 13, 2006

ano bang problema sa akin?

Thursday, February 09, 2006

bola

ang bawat tao,marunong mambola at may ilan-ilang tao lamang ang nabobola.sana hindi ako kasama sa mga ilan-ilan lamang.alam ko mahal ko yung tao pero hanggang kelan kaya ako makikisakay sa mga pang-aasar at pambobola na magkasabay niyang ginagawa sa akin ngayon. sa mga kaibigang matiyagang nagbabasa ng blog ko, gisingin nyo naman ako sa katotohan.

buzz...lately madalas kaming nag-aaway ni by...ewan ko ba..ganon
lang
talaga cgro...mahal na mahal ko sya.. higit pa sa kung gaano ko
minahal
lahat ng
naging ex-gf ko
...seryoso....ayokong mawala
sya...buti na lang
naaayos dn mga
tampuhan namin....may isa pa
kaming
hinihintay na
maayos....sana nga happy
ending ang
mangyari...hay...

-kaboom

T_T
ang hirap kontrolin ng emosyon. para kasi sa akin, kailangan ilabas ito sa bawat pagbabago ng mukha ng pagkatao.
nakakalungkot.halos tatlong sunud-sunod na gabi na ata akong umiiyak.isa lamang ang dahilan: ang isang tao na inakala kong mas magbibigay ng ngiti kaysa luha sa akin - sa isang tao na sobra-sobra kong m[in]ahal.
maganda yung tanong ni Fr.Jiboy don sa isang contestant sa miss sampa kanina.sapul sa sitwasyon ko ngayon.halimbawa may kaibigan ka at pagkatapos ay nalaman mong nakipag-break ang boyfriend nya dahil sa isang babae na mas mahal nya kaysa sa kaibigan mo, at ang babaeng tinutukoy pala ng boyfriend ng kaibigan mo ay walang iba kundi ikaw, ano ang gagawin mo?
napangisi na lang ako sa tanong na iyon.katabi ko pa man din yung alam kong dapat sumagot sa tanong.siguro naka-relate din sya tulad ko.nakakagulat nga lang talaga sapagkat sa katauhan ni Fr.Jiboy, pinakita ng Diyos na andiyan Siya upang makiramay sa kasalukuyang lungkot na nararamdaman ko.
matapos ng contest na yon,nawalan na ako ng kontrol.sunud-sunod na ang pagpatak ng luha...
hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.wala akong maisip na malalim na dahilan upang tapusin ang pakikipagkaibigan sa isang tao na minahal ko nang lubusan.hindi sapat na basehan ang selos.masyadong mababaw.subalit sa mga gabing nagsusumigaw ang aking damdamin na padaluyin ang luha sa aking mga pisngi, hindi maiiwasan na planuhin ko ang pagtuldok sa isang relasyong hindi man lamang umabot ng mahabang panahon.
sana tulungan ako ng Diyos.huwag Niya sana akong iwan.=<

Sunday, February 05, 2006

=< :: part two
hindi ko naman kagustuhan ang mga nangyari sa akin lately subalit wala na tayong magagawa, nangyari na ang hindi dapat mangyari...

subalit sa pagkakamaling ito, dapat ko pa rin pasalamatan ang Diyos sapagkat nagbigay siya ng isang pagsubok na dapat kong lampasan...

siguradong malalampasan ko ang pagsubok na ito,tiyak na may mabuting kapalit para rito...hindi ko pa alam kung ano yun subalit isa lang ang natitiyak ko,ang kapalit ng pagsubok na ito ay isang biyaya mula sa Diyos...

ang dami kong natutunan,mga bagong aral na tumatak na sa aking buhay at mga aral na habambuhay ko ng panghahawakan...

salamat sa Diyos sapagkat nandiyan Siya sa aking tabi upang bigyan ako ng mga pagsubok...mga pagsubok na sinisigurado kong sinadya Niyang ibigay upang maipakita ko sa kanila na isa na nga akong matatag na tao.

***paumanhin kay crystal

Wednesday, February 01, 2006

PAMAMAGA NG UPPER LIP NI MA'AM MENDOZA, NAGING DAHILAN SA PAGKAWALA NG KLASE SA 141*

*thanks instant sotanghon..

last tuesday sa regular dinner bonding namin ni ate, muntikan na ko malaslasan ng bag at syempre kasama na dun yung nakawan ako...papalampasin ko na sana kasi material thing(s) lang naman yung mawawala sa akin..kaso,may kasamang tanching na yun e...pucha!umiinit ulo ko kapag naa-ala-ala ko yun...hindi ko talaga papalampasin kapag PURI ang nawala sa akin...arrrgghh!!!

last wednesday naman (kahapon yun), naging malungkot ang pagtatapos ng araw para sa aming dalawa ni ate....basta.amin na lang yun kung bakit...naisip ko rin kahapon na napakaswerte ko sa pagkakaroon ng 'ganitong' pamilya (ganito-sobrang supportive).pero dahil sa pagiging bunso,naiinis ako sa sarili ko.ang dami ko na kasing problemang binibigay sa kanila.nakakalungkot.=<

but on a lighter side, i tried (somehow) to end my day with no hard feelings..thanks to bob ong at sa kanyang book na stainless longganisa, natupad ang nais ko...nag-astang baliw ako sa kalagitnaan ng katahimikan sa kwarto...yun tuloy.maraming nasindak at naistorbo.to explain it further,maraming nabulabog sa pabigla-bigla kong paghalakhak na tipong nakalabas pati ang gilagid at lalamunan.

oh well,ang galing talaga ni bob ong!
dahil don, hindi ako nakapagsagot ng homework para sa econ.=<